^

Probinsiya

3 kidnaper ni Betty Sy nakatakas

-
CAMP AGUINALDO – Tatlong miyembro ng Waray-Waray gang na sangkot sa kidnap-slay ni Coca-Cola Executive Betty Chua Sy ang nakatakas sa dragnet operations ng mga awtoridad sa Leyte.

Ito ang nabatid kahapon mula sa isang reliable source sa National Anti-Kidnapping Task Force (NAKTAF) base na rin sa impormasyong nakuha kay Fernando Niegos, ang nasakoteng mastermind sa pagdukot kay Sy at sa sumukong kasamahan nitong si Leo Garrido.

Gayunman, tumangging tukuyin ang pangalan ng tatlo pang pinaghahanap na kidnaper para ’di mabulilyaso ang operasyon.

Si Niegos ay nasakote sa kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon sa isinagawang operasyon sa Brgy. Macanit, Jaro, Leyte habang sumuko naman si Garrido ilang oras matapos na mabitag sa dragnet operations ang kanilang lider sa nasabi ring lugar.

Sinabi ni P/Chief Supt. Dionisio Coloma Jr., Eastern Visayas Police Chief na puspusan ang isinasagawa nilang manhunt operations upang madakip ang tatlo pang kidnaper ni Sy.

Bagaman tumanggi si Coloma na tukuyin kung ilan ang miyembro at mga lider ng Waray-Waray KFR gang ay sinabi nitong nakilala na nila ang mga ito.

Magugunita na si Sy ay dinukot ng anim na armadong kalalakihan noong Nobyembre 17 sa Quezon City at kinabukasan ay natagpuang bangkay sa Diosdado Macapagal Boulevard sa Parañaque City. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BAGONG TAON

CHIEF SUPT

COCA-COLA EXECUTIVE BETTY CHUA SY

DIONISIO COLOMA JR.

DIOSDADO MACAPAGAL BOULEVARD

EASTERN VISAYAS POLICE CHIEF

FERNANDO NIEGOS

JOY CANTOS

LEO GARRIDO

SY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with