Dating mayor iprinoklamang panalo sa halalan
January 4, 2004 | 12:00am
Nueva Ecija Iprinoklama na ng itinilagang Municipal Board of Canvasser (MBC) ng Commission on Elections (Comelec) na ang tunay na nagwaging alkalde sa bayan ng San Isidro ay ang dating Mayor Nestor Magno makaraang bilangin muli ang mga boto kahapon ng umaga.
Sa tally ng Comelec, nagtamo ng 9,230 boto si Magno kumpara sa nakuhang 6,219 boto ni incumbent Mayor Sonia Lorenzo sa 105 presinto kung saan isinagawa ang halalan sa kanilang bayan.
Bago ito, inatasan ng Comelec en banc si Region 3 Director Zoilo Porlas na bumuo ng panibagong MBC upang bilangin ang lahat ng election returns mula sa mga presinto rito.
Magugunita na diniskwalipika si Magno ng Comelec noong Mayo 2001 local elections dahilan sentensiyado umano ito sa kasong kriminal na naisampa sa Sandiganbayan. Subalit nagkaroon ng ruling ang Supreme Court na nagsasaad na puwedeng tumakbo si Magno sa local election noong Mayo 2001.
Nang matanggap ng Comelec and ruling ng Supreme Court ay ipinag-utos nito sa Comelec Regional Director na bumuo ng mga canvasser at nang matapos ang canvassing ay iprinoklama naman kung sino ang nanalo sa magkatunggaling sina Lorenzo at Magno. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended