Binatilyo patay sa nilarong baril

Alabat, Quezon – Sabog ang bungo at namatay noon din ang isang 16-anyos na estudyante matapos na tamaan ng bala ng baril na kaniyang pinaglalaruan sa Brgy. Villa Este sa bayang ito kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Oliver Caperina, binata, estudyante ng Alabat National High School at residente ng Brgy. 4.

Ayon kay PO1 Rico Fernandez, may hawak ng kaso, dakong alas 10 ng umaga nang magtungo ang biktima at kaibigan nitong si Jayson Dato sa bahay ng kaniyang tiyuhing si Antonio Caperina sa Brgy. Villa Este na noo’y kasalukuyang nakikipag-inuman sa kaniyang barkada.

Nabatid na habang abala sa pakikipag-inuman sa kaniyang mga barkada ang kaniyang tiyuhin ay kinuha ng biktima ang baril nito saka pinaglaruan hanggang sa aksidenteng pumutok na siyang tumapos sa kaniyang buhay. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments