Batang paslit nakuryente ng xmas lights
January 4, 2004 | 12:00am
Camp Crame Nagkikisay na nasawi ang isang 6-anyos na batang lalaki matapos na aksidente nitong mahawakan ang live wire ng isang Christmas lights na nakapalamuti sa dekorasyong Belen sa Cebu, ayon sa ulat kahapon.
Dead-on-arrival sa Danao City District Hospital matapos matusta ang murang katawan ng biktimang kinilalang si Chris Steven Alvez sanhi ng matinding pagkasunog ng mukha at leeg sa dumaloy na malakas na boltahe ng kuryente.
Sa ulat, naganap ang insidente kamakalawa sa may panulukan ng national highway sa Beatriz Durano St., Danao City kung saan naka-display ang hindi pa inaalis na Christmas decor bilang bahagi ng Danao City Project para sa pagdiriwang ng Kapaskuhan hanggang 3 Kings o Enero 6 ng taong ito.
Masaya umanong pinanonood ng bata ang Christmas decor at sa labis na katuwaan ay hinipo ang Christmas light kung saan ay aksidente nitong nahawakan ang live wire.
Nabatid pa sa report na nahugot lamang ang katawan ng paslit na dumikit sa live wire matapos patayin ng isang sumaklolo ang power nito.
Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente upang alamin kung nagkaroon ng kapabayaan sa panig ng mga organizer ng nasabing proyekto na nagbunsod sa malagim na trahedya. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am