3 eskuwelahan nasunog
January 3, 2004 | 12:00am
KAMPO SIMEON OLA Aabot sa milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang masunog ang tatlong eskuwelahan sa magkakahiwalay na bayan sa Kabikulan kamakalawa.
Sa ulat na isinumite kay Police Chief Supt. Jaime Lasar, Bicol provincial director, bandang alas-10:30 ng umaga ng unang nasunog ang Camagong Elementary School sa Barangay Camagong Oas, Albay.
Tinupok ng apoy ang tatlong silid-aralan bago pa maapula ang sunog na tumagal ng isang oras.
Kasunod nito ay nasunog naman ang Malabog National High School sa Barangay Malabog, Daraga dakong alas-11:45 ng umaga. Limang silid-aralan naman ang nilamon ng apoy bago pa maapula.
Napag-alaman pa na tatlong oras matapos na maapula ang sunog sa Barangay Malabog ay tinupok naman ng apoy ang Albay Central School sa Legaspi City na ikinawasak ng limang silid-aralan at bahagyang nasira ang dalawa pa.
Wala naman iniulat na nasawi o nasugatan sa naganap na tatlong sunog at kasalukuyang pang sinisiyasat ang pinagmulan ng apoy na tumupok sa tatlong eskuwelahan. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended