^

Probinsiya

Asst. principal patay sa akyat-bahay gang

-
CITY OF SAN FERNANDO, Pampanga – Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang Tsinong assistant principal ng mga hindi kilalang lalaki na pinaniniwalaang kasapi ng Akyat-Bahay Gang habang ang biktima ay nagpapahinga sa kanyang opisina sa Barangay San Jose sa nasabing lungsod noong Sabado ng gabi.

Nadiskubre sa ikalawang palapag ng kanyang opisina ang bangkay ng biktimang si Sy Co Ang, alyas Hong Shai Dei, 60, at namamasukan sa Sin Seng School dakong alas-8:30 ng umaga na may dalawampu’t isang saksak ng patalim sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kina Chief Inspectors Lorenzo Detran at Ferdinand Perez, pinasok ng mga hindi kilalang kalalakihan ang opisina ng biktima saka isinagawa ang krimen. Tinangay ng mga magnanakaw ang hindi pa mabatid na halaga at mamahaling alahas ng biktima.

May teorya ang mga imbestigador na nanlaban ang biktima dahil sa mga bakas ng dugo sa loob ng kubeta.

Kinondena naman ng San Fernando Filipino-Chinese Chamber of Commerce Inc. sa pamumuno ni Eddie Chua ang naganap na krimen at magbibigay ng P50,000 sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng mga killer. (Ulat ni Ding Cervantes)

vuukle comment

AKYAT-BAHAY GANG

BARANGAY SAN JOSE

CHIEF INSPECTORS LORENZO DETRAN

DING CERVANTES

EDDIE CHUA

FERDINAND PEREZ

HONG SHAI DEI

SAN FERNANDO FILIPINO-CHINESE CHAMBER OF COMMERCE INC

SIN SENG SCHOOL

SY CO ANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with