Inakalang mga karnaper: 2 empleyada niratrat ng 4 na pulis
December 30, 2003 | 12:00am
CAVITE Dalawang empleyada na pinaniniwalaang napagkamalang mga karnaper ang iniulat na nasa kritikal na kondisyon makaraang ratratin ng apat na pulis-Cavite habang nagmamaneho ng kotse sa kahabaan ng Mendez Crossing na sakop ng Tagaytay City kamakalawa ng gabi.
Inoobserbahan sa Makati Medical Center ang mga biktimang sina Lovelyn Velecatia, 46, dalaga, GSIS employee at residente ng Joseph Village, Proj. 8, Quezon City at Victoria Tan, 50, dalaga at SSS employee ng #212 Amapola St., Palm Village, Makati City.
Nalalagay naman sa balag ng alanganing masibak sa puwesto at posibleng makulong sina SPO1 Jose Bautista Jr., PO3 Edgardo Amon, SPO1 Bartolome de Villa Jr. at PO3 Reo Ambion na pawang nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa Tagaytay City.
Base sa ulat ng pulisya, nakaalerto ang kapulisan ng Cavite dahil sa ulat na may kinarnap na kotseng Honda Civic na may plakang WEY-645.
Napag-alaman pa na habang sakay ng mobile car ang apat na pulis-Tagaytay ay naispatan nila ang kotseng kahawig ng kinarnap.
At dahil na rin sa kalituhan at pagmamabilis ng apat na pulis sa numero ng plaka ay inakalang ang WEY-465 kotseng kinarnap na pag-aari ni Erickson Legaspi ay kapareho.
Nabatid pa sa ulat na agad hinarang ng mga suspek na pulis ang paparating na kotse ng dalawang biktima pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakarinig ng sunud-sunod na putok ng rebentador at inakalang binabaril sila ng nasa loob ng kotse.
Dito na niratrat ng apat na suspek ang kotse ng dalawang biktima na ikinasugat nang malubha ng dalawang empleyada.
Mabilis naman isinugod sa ospital ang mga biktima kasunod na ipinagbigay-alam ng apat na pulis sa hepe ang pangyayari para sa kaukulang disposisyon. (Ulat ni Cristina Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended