^

Probinsiya

Granada: COA auditor, anak patay

-
Camp Aguinaldo – Dead on the spot ang isang Commission on Audit (COA) Auditor ng Department of Education (DepEd) at 8-anyos na anak nitong babae matapos na hagisan ng granada ng di pa nakilalang kalalakihan ang kanilang bahay sa Cotabato City kamakalawa.

Kinilala ni Armed Forces of the Philippines-Public Information Office (AFP-PIO) Chief Lt. Col. Daniel Lucero ang nasawing mag-ama na sina Maximo Pamilian at paslit na anak nitong si Johanne.

Ayon kay Lucero, dakong alas-6:45 ng gabi habang naghahanda ng hapunan ang kasambahay ng mga biktima nang biglang hagisan ng granada ang kanilang bahay sa Zenaida Subdivision ng nasabing lungsod.

Bago umano naganap ang pagsabog ay ilang di nakilalang kalalakihan ang nakitang kahina-hinalang umaaligid sa tahanan ng nasabing opisyal.

Kasalukuyan pang inaalam ng mga awtoridad kung may kinalaman sa trabaho ng biktima bilang COA Auditor ng DepEd ang motibo ng krimen habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES-PUBLIC INFORMATION OFFICE

AYON

CAMP AGUINALDO

CHIEF LT

COTABATO CITY

DANIEL LUCERO

DEPARTMENT OF EDUCATION

JOY CANTOS

MAXIMO PAMILIAN

ZENAIDA SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with