^

Probinsiya

Kanang-kamay ng Abu lider tiklo

-
CAMP AGUINALDO – Bumagsak sa mga operatiba ng militar ang isang Sub-Commander ng mga teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) na itinuturong kanang kamay ni Sayyaf leader Isnilon Hapilon makaraan ang maikling tugisan kahapon ng umaga sa Zamboanga City.

Sa ulat na nakalap kahapon sa tanggapan ni Philippine Army Commanding General Maj. Gen. Efren Abu, nakilala ang nadakip na si Mohammad Said, alyas Kaiser Said, sangkot sa serye ng kidnap-for-ransom (KFR).

Ayon kay Phil. Army Spokesman Lt. Col. Joselito Kakilala, si Said ay may reward na P1 milyon kapalit ng pagkakadakip dito, buhay man o patay.

Ang pagkakadakip kay Said ay kinumpirma ni Col. Daniel Casabar, Commander ng Task Force Zamboanga (TFZ) sa ilalim ng 1st Scout Ranger Battalion.

Dakong alas-10:30 ng umaga habang nasa kasagsagan ng operasyon ang TFZ at 9th Intelligence Security Group nang masakote sa Brgy. Recodo, Zamboanga City.

Nabatid pa na nabitag si Said matapos na ituro ng ilang residente sa militar na may nagtatagong bandido sa kanilang lugar.

Bitbit ang warrant of arrest na inisyu ng Basilan Regional Trial Court (RTC) ay agad pinalibutan ng militar ang safehouse nito. Bagama’t nagtangkang tumakas si Said, hindi naman ito nakaligtas sa nakaalertong mga sundalo.

Kasalukuyan nang sumasailalim sa masusing tactical interrogation sa headquarters ng TFZ si Said. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF GROUP

ARMY SPOKESMAN LT

BASILAN REGIONAL TRIAL COURT

DANIEL CASABAR

EFREN ABU

INTELLIGENCE SECURITY GROUP

ISNILON HAPILON

JOSELITO KAKILALA

JOY CANTOS

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with