Fake dollar syndicate nalansag
December 28, 2003 | 12:00am
Camp Crame Nalansag ng mga awtoridad ang isang pinaghihinalaang notoryus na fake dollar syndicate matapos masakote ang lider nito at 11 pang tauhan sa isinagawang entrapment operations sa Poro Point, San Fernando City, La Union kamakalawa.
Kinilala ang nasakoteng lider ng grupo na si Rolando Aquino, 43, electrical engineer , ng San Luis, Baguio City.
Ang mga nasakote naman nitong tauhan ay nakilala namang sina Ernesto Camannong, 50; Jun Crisnero, 36; Gloria Batario, 57; Raffy Singson, 49; Edna Bengson, 41; Maria Henedina, 44; pawang nahuli kasama ni Aquino sa entrapment operations dakong alas 12 ng tanghali sa Poro Point , San Fernando City ng nasabing lalawigan.
Samantalang nahuli naman sa isang follow-up operations sa Oasis Resort Hotel ng lungsod bandang alas 2 ng hapon ang iba pa ng mga itong kasamahan sa sindikato na sina Gallardo Estado, 56; Leonardo Napoles, 46; Marietta Mejia, 57; Pepito Bernisca, 45 at Lilia Estacio, 51.
Base sa report na tinanggap kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director Hermogenes Ebdane Jr., agad naglatag ng dragnet operations ang pinagsanib na mga elemento ng La Union Provincial Police Office (PPO), Regional Mobile Group 1, San Fernando City Police sa pakikipagtulungan ng Phil. Navy at Phil. Coast Guard laban sa mga suspek matapos na mabatid ang illegal ng mga itong aktibidad.
Nabatid na ang mga suspek ay sangkot sa talamak na pagbebenta ng mga pekeng dolyar, bank certificates at iba pa na kadalasan umanong nagtatambay sa harapan ng gate 1 ng Phil. Post Authority sa Poro Point.
Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga suspek ang umaabot sa $18 bilyon bundles na peke; isang Mitsubishi Lancer na may plakang PKU 277 na pag-aari ni Camannong; isang Toyota Hi-Lux na may plakang WHS- 912 na nasa pangalan ni Aquino at isang KIA van na may plaka namang KCB 957 na pag-aari naman ni Crisnero.
Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Article 168 ng Revised Penal Code o ang illegal possession and use of False Treasury o Bank notes at iba pa laban sa mga suspek. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended