Sundalo todas sa bomb explosion
December 27, 2003 | 12:00am
Camp Aguinaldo Isang sundalo ang kumpirmadong nasawi habang isa pa ang nasugatan matapos na aksidenteng sumabog ang dini-diffuse na bomba na itinanim ng mga hinihinalang bandidong Abu Sayyaf (ASG) sa airport road ng Jolo, Sulu kahapon ng hapon.
Kinilala ang nasawi na si Master Sgt. Nestor Escodo, team supervisor ng 3rd Explosives and Ordnance Division ng Explosives and Ordnance Battalion (EODBN) habang ang nasugatan ay tinukoy lamang sa pangalang Sgt. Dolesa.
Sa ulat na nakarating kahapon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Narciso Abaya, nabatid na dakong ala-1:30 ng hapon ng maganap ang pagsambulat ng bomba sa kahabaan ng DPWH junction airport road sa kapitolyo ng Jolo.
Bago ang pagsabog ay inireport sa mga awtoridad ng ilang mga residente ang isang kahina-hinalang cardboard box na kinabitan ng mga wires. Agad namang nagresponde ang mga operatiba ng militar at habang dini-diffuse ang bomba ay aksidente itong sumabog.
Samantala, isa pang bomba ang natagpuan di kalayuan sa lugar pero nai-detonate ito ng mga sundalo.
Patuloy naman ang imbestigasyon sa kaso na pinaniniwalaang bahagi ng sympathy attack ng ASG sa pagkakahuli sa kanilang lider na si Ghalib Andang alyas Commander Robot .
Sa kasalukuyan ay nagpapagaling pa si Robot na naputulan na ng kaliwang binti sa AFP Medical Center sa Quezon City matapos na sugatang masakote noong Disyembre 7 sa Indanan, Sulu. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended