^

Probinsiya

Principal hinoldap binaril sa mata

-
Nueva Ecija – Doble kamalasan ang sinapit ng isang 33 anyos na elementary school principal matapos na holdapin na ay barilin pa sa kanang mata ng hindi pa nakikilalang lalaki sa Brgy. Sumacab Norte, Cabanatuan City, ayon sa ulat kahapon.

Nasa kritikal na kondisyon ngayon sa Nueva Ecija Doctors Hospital sa Cabanatuan City ang biktimang kinilalang si Richard Gamboa, 33, may-asawa ng Brgy. Pinagpanaan, Talavera, Nueva Ecija, prinsipal sa Collado Elementary School sa bayan ng Talavera.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-10:30 ng gabi kamakailan habang nagpapagasolina sa Caltex Gas Station sa Brgy. Poblacion, Talavera ay lumabas sandali sa kanyang sasakyan na isang Sonata Hyundai van na may plakang WPX -952 para magsindi ng sigarilyo.

Lingid sa kaalaman ng biktima ay sumalisi ang holdaper na sumakay sa kaniyang behikulo at nang magbalik siya para umalis na sa nasabing gasolinahan ay laking gulat niya ng bigla na lamang siyang tutukan nito ng . 38 caliber pistol sa ulo sabay deklara ng holdap.

Inutusan umano ng suspek ang biktima na ihatid siya sa Cabanatuan City at pagsapit sa may likuran ng NE Pacific Mall ay pinahinto nito ang sasakyan.

Nilimas ng suspek ang mga alahas ng biktima na nagkakahalaga ng P 40,000; P 3000 cash na laman ng wallet nito subali’t bago tuluyang tumakas ay binaril sa mata ang biktima. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BRGY

CABANATUAN CITY

CALTEX GAS STATION

CHRISTIAN RYAN STA

COLLADO ELEMENTARY SCHOOL

NUEVA ECIJA

NUEVA ECIJA DOCTORS HOSPITAL

PACIFIC MALL

RICHARD GAMBOA

TALAVERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with