Mga politiko na magbabayad ng buwis sa NPA ibubulagar

KAMPO SIMEON OLA – Nagbabala ang pamunuan ng Philippine Army na ibubulgar nila ang pangalan ng mga politikong magbabayad ng buwis sa maka-kaliwang kilusang para lamang makakuha ng permit to campaign sa darating na 2004 elections.

Ito ang mariing sinabi ni Col. Joel Cabides, tagapagsalita ng 9th Infantry Battalion sa mga politikong nagpupumilit na magbigay ng revolutionary tax sa NPA para lamang makakuha ng simpatiya sa kanilang kandidatura.

Pinayuhan naman ni Col. Ramon Santos ang 901st Infantry Brigade ang mga politiko na iwasan ang pagbibigay ng buwis sa mga rebelde para lamang makapangampanya sa mga barangay na kontrolado ng NPA.

Ayon pa sa militar na aabot sa P600 milyon ang nakuha ng grupong rebelde sa mga kandidato noong nakalipas na halalan 2001.

Napag-alaman na may katumbas na P 200,000 hanggang P250,000 ang hinihinggi sa kakandidatong governador; P150,000 hanggang P200,000 naman para sa vice governor at city mayor; para sa municipal mayor ay aabot naman sa P75,000- P100,000. at P50,000 sa municipal councilor.

Bukod sa malaking halaga ang hinihinggi ng NPA sa mga kandidato ay kinakailangan pang magbigay sila ng baril, bala, radyo at sasakyan.

Nabatid pa na hindi lamang mga kandidato ang nagbibigay sa grupo ng rebelde maging ang mga gambling lord ay nagbibigay ng milyong piso kapalit ng proteksiyon sa kanilang modus-operandi. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments