2 opisyal ng NPA timbog

CAMP AGUINALDO – Dalawang opisyal ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang iniulat na nalambat ng mga tauhan ng Army’s 23rd Special Force Company makaraang magsagawa ng operasyon sa Sitio Ibangley, Barangay Abogan, Taytay, Palawan kamakalawa. Isinailalim na sa tactical interrogation sina Roberto Hallis, alyas Roe, finance officer at Oscar de la Torte, alyas Nonoy, supply officer na kapwa kasapi ng Kilusang Larangang Gerilya Lagerlife ng Southern Tagalog Regional Party Committee. Nakumpiska sa dalawang rebelde ang dalawang kalibre 45, granada, magnetic compass at mga subersibong dokumento. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments