Notoryus na tulak nalambat
December 23, 2003 | 12:00am
MANGATAREM, Pangasinan Nagwakas ang modus-operandi ng isang 46-anyos na numero unong tulak ng bawal na droga sa nasabing bayan makaraang masakote sa kanyang pinagkukutaan sa Barangay Torres Bugallon sa bayang ito kamakalawa ng gabi. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Meliton Imuslan ng Urdaneta City Regional Trial Court, dinakip si Abelardo Punzal ng mga operatiba ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) at police provincial office. Si Punzal na utol ni dating mayor Jessie Punzal ay nakumpiskahan din ng 21 sachets ng shabu na tumitimbang ng 100 gramo. Ayon pa kay P/Chief Insp. Christopher Abrahano, sinubaybayan na nila ang kinikilos ni Punzal noon pang Setyembre at saka sinalakay ang kuta nito. (Ulat ni Eva Visperas)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended