P7-M sinikwat ng 5 armado
December 22, 2003 | 12:00am
BAGUIO CITY Aabot sa pitong milyong piso ang nakulimbat ng limang hindi kilalang armadong lalaki mula sa mga empleyado ng Philippine National Bank-Bontoc sa kahabaan ng Ifugao national highway noong Miyerkules ng umaga.
Ayon kay P/Senior Supt. Eugene Martin, Cordillera police information officer, hinarang ng mga naka-bonnet na kalalakihan ang sinasakyang Toyota Tamaraw FX na may plakang URE-623 ng mga biktima sa kahabaan ng Sitio Upper Pitawan, Barangay O-ong sa bayan ng Hingyon.
Napag-alaman pa na kawi-withdraw pa lamang ng malaking halaga sa PNB branch sa Solano, Nueva Viscaya nang sikwatin ng mga armadong lalaki ang pitong milyong piso at apat na baril ng mga security guard.
May teorya ang pulisya na may nagbigay ng impormasyon sa mga maninikwat na may dalang malaking halaga ang mga biktima.
Huminggi na ng tulong ang pulisya sa mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para agad na maresolba ang krimen. (Ulat nina Artemio Dumlao at Myds Supnad)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended