^

Probinsiya

1 patay; 9 kritikal sa butete

-
Camp Crame – Isa katao ang nasawi samantalang siyam na iba pa ang patuloy na ginagamot sanhi ng pagkalason bunga ng pagkain ng isdang butete sa Toril, Davao nitong nakalipas na Biyernes.

Ang nasawing biktima ay nakilalang si Felix Masangya Sr., 44, ng Sitio Lawis, Brgy. Lizada ng bayan ng Toril.

Kasalukuyan namang nilalapatan ng lunas sa Davao Medical Center ang mga anak ni Masangya na sina Jesus, 14; Junard, 6; Raymond, 16 at Rey, 12; mga pamangking sina Gwendolyn, 11, Christine Joy, 5 Felix, 8; Jonathan Masangya at kapitbahay na si Guillermo Sarona, 30 taong gulang.

Nabatid na bandang alas 7 ng gabi kamakalawa ay kinain ng mag-anak ang isdang tinatawag na butete sa kanilang hapunan at pagkalipas ng ilang minuto ay bigla na lamang silang nakaramdam ng pananakit ng tiyan at pagkahilo.

Nagsuka umano ang mga biktima na namilipit sa matinding panghihina ng katawan kaya’t napilitan na ang mga kapitbahay ng mga ito na isinugod ang mga ito sa pagamutan.

Nabigo naman ang pagtatangka na maisalba pa ang buhay ni Felix sa dinanas nitong grabeng pagkalason habang patuloy namang inoobserbahan sa pagamutan ang kondisyon ng siyam na iba pa.

Napag-alaman na ang naturang isda ay sadyang nakalalason subali’t dahil sa mura lamang ito ay ito ang kadalasang binibili ng mga residente ng lugar sa kabila ng pagbabawal sa pagkain nito. Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang naturang insidente. (Ulat ni Joy Cantos)

CAMP CRAME

CHRISTINE JOY

DAVAO MEDICAL CENTER

FELIX MASANGYA SR.

GUILLERMO SARONA

JONATHAN MASANGYA

JOY CANTOS

KASALUKUYAN

SITIO LAWIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with