Misis todas sa sagasa,1 pa sugatan
December 21, 2003 | 12:00am
Camp Pantaleon Garcia, Cavite Hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang isang ginang makaraang suyurin ito ng isang rumaragasang van habang isa pa ang nasugatan sa naganap na sakuna sa Brgy. Bagtas, Tanza ng lalawigang ito kahapon.
Kinilala ang biktima na si Lolita Daghubasa, 35 anyos, may-asawa at residente ng Phase 2, Block 57, Lot 32 Carissa Subdivision ng nasabing lugar. Ang nasugatan ay nakilala namang si Joel Asero, 38 taong gulang, may-asawa, negosyante ng Antipolo City.
Agad namang nasakote ang suspek na si Delmar Romano, 20, ng Brgy. Concho, Trece Martirez City, driver ng close van na may plakang WDE-655 na nakabangga sa mga biktima.
Batay sa imbestigasyon ni PO3 Celino Javier, may hawak ng kaso dakong alas-9:30 ng umaga habang binabaybay ng behikulong minamaneho ng suspek ang nasabing lugar nang bigla itong nag-overtake sa sasakyan ni Asero na isang AUV type na may plaka namang DML-279.
Dahil sa tulin ng sasakyan ay nawalan ito ng kontrol at nabundol ang AUV na ikinasugat ni Asero habang sinuyod naman nito ang biktimang si Paghubasa na nakatayo lamang sa gilid ng kalsada at nag-aabang ng sasakyan.
Mabilis na isinugod sa Mark James Hospital ang mga biktima subalit hindi na umabot pa ng buhay si Paghubasa habang patuloy pa ring ginagamot si Asero sa tinamo nitong sugat.
Nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and serious physical injuries ang suspek. (Ulat ni Christina G. Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
13 hours ago
Recommended