^

Probinsiya

Tsinoy trader,1 pa tiklo sa checkpoint

-
Camp Crame – Dalawa katao kabilang ang isang negosyanteng Filipino-Chinese ang inaresto ng mga awtoridad matapos mahulihan ng baril at patalim sa isang checkpoint sa bayan ng Kabasalan, Zamboanga Sibugay, ayon sa ulat kahapon.

Ang mga dinakip ay nakilalang sina Genesis Tan, isang prominenteng negosyanteng Tsinoy at kasamahan nitong si Victor Julian, pawang nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Buayan, Kabasalan ng nasabing lalawigan.

Base sa report, bandang alas-5:20 ng hapon nang maharang ng mga elemento ng Kabasalan Municipal Police Station (MPS) ang dalawa sa inilatag na checkpoint sa nasabing lugar.

Nabatid na tinangka pa nina Tan na umiwas sa checkpoint subali’t hinabol ang mga ito ng naalertong puwersa ng pulisya hanggang sa makorner sa sinasakyan ng mga itong behikulo.

Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga suspek ang isang caliver .38 revolver na may apat na rounds ng bala at dalawang hunting knife.

Kasalukuyan ngayong sumasailalim sa masusing imbestigasyon ng pulisya ang dalawa habang inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga ito dahil sa paglabag sa gun ban.

Magugunita na nitong nakalipas na Disyembre 15 ay nagdeklara ng gun ban ang Commission on Elections (Comelec) na tatagal hanggang Hunyo 9 ng susunod na taon kaugnay ng nalalapit na 2004 national elections sa bansa. (Ulat ni Joy Cantos)

BRGY

BUAYAN

CAMP CRAME

GENESIS TAN

JOY CANTOS

KABASALAN

KABASALAN MUNICIPAL POLICE STATION

VICTOR JULIAN

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with