Tricycle driver hinoldap, pinutulan ng dila
December 20, 2003 | 12:00am
Nueva Ecija Doble kamalasan ang sinapit ng isang tricycle driver matapos na holdapin na ay mapagtripan pang putulan ng dila ng dalawang lalaki na humoldap dito sa Brgy. Camp Tinio, Cabanatuan City kamakalawa ng gabi.
Kasalukuyan ngayong nilalapatan ng lunas sa Dr. Paulino J. Garcia Hospital ang biktimang si Alfredo Cabrera, 44, binata ng Brgy. San Juan Acefa ng lungsod ng Cabanatuan.
Samantala, agad namang nahuli ng mga nagrespondeng elemento ng pulisya ang dalawang suspek na kinilalang sina Joey Hilario, 21 , karpintero ng Purok 1, Brgy. San Isidro at George Enriquez alyas Unyong Bulag, 21 ng Brgy. Magsaysay; pawang residente ng nabanggit na siyudad.
Base sa imbestigasyon, dakong alas-12 ng tanghali nang isinakay ng biktima ang dalawang suspek sa Sangitan Public Market at nagpahatid sa Brgy. Camp Tinio kung saan pagsapit sa lugar ay nagdeklara ang mga ito ng holdap.
Nanlaban umano ang biktima kaya nairita ang mga holdaper at matapos itong gulpihin ay pinutulan pa ng dila saka tinangay ang kinita nito.
Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga suspek na ngayoy kapwa humihimas ng rehas na bakal sa detention cell ng pulisya. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
7 hours ago
Recommended