Lito Lapid sasabak sa senado
December 19, 2003 | 12:00am
PAMPANGA Ipinahayag ni Pampanga Governor Lito Lapid na tinanggap na niya ang alok ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na kumandidatong senator sa ilalim ng administrasyon Lakas-CMD sa darating na 2004 elections.
"Hindi ko mapapahiya si Presidente," ani pa ni Lapid matapos na ihayag nito sa kanyang kapartido sa nasabing lalawigan na tatakbo siyang senator.
Kasunod nito ay nagsumite na ng kandidatura ang kanyang anak na si Mark Lapid sa pagka-governador bilang opisyal Lakas CMD standard bearer.
Ayon kay Fidel Arcenas, Lapids chief political adviser, sinabihan ng Pangulo si Governor Lapid na tumakdo sa Senado matapos na lagdaan ng coalition ang kasunduan sa pagitan ng Nationalist Peoples Coalition (NPC) at Lakas-CMD.
Sinuportahan naman nina House Speaker Jose de Venecia at presidential political adviser Gabby Claudio ang kandidatura ni Lapid.
Hinikayat naman ni Lapid ang kanyang mga kababayan na suportahan ang kanyang kandidatura sa darating na 2004 elections. (Ulat ni Ding Cervantes)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest