^

Probinsiya

ECOP chief sabit sa Clark Golf course project

-
Nalalagay sa balag ng alanganin ang hepe ng Employees Confederation of the Philippines (ECOP) na si Donald Dee dahil sa patuloy na pagkabimbin ng proyektong 18-hole golf course at clubhouse, ang True North Golf and Country Club, sa Clark Economic Zone, Pampanga. Ang True North ay bahagi ng 120-ektaryang development project ng Sacobia Hills Development Corp. (SHDC) na kung saan si Dee ay chairman at si Jaime Koa ay presidente.

Sa reklamo ng mga stockholder na idinulog sa tanggapan ni Securities and Exchange Commission (SEC) chairman Lilia Bautista, idinaing ng mga stockholder na pinangungunahan nina Nora Bitong, Global Equities, Inc. at BHC Holdings na hanggang sa ngayon ay nakatengga pa ang naturang proyekto na dapat ay na-develop na ng SHDC noong 2000.

Hiniling pa ng mga stockholder sa SEC na maprotektahan ang P900 milyong nalikom na ng Sacobia at True North mula sa mga investor sa nasabing proyekto na inumpisahan noon pang 1997 at ngayon ay naiwang nakatiwangwang. Gayundin, sabit sina Dee at Koa sa Clark Development Corp. dahil ang Sacobia ay may mga arrears pa sa upa sa economic zone na umaabot sa di bababa sa P37 milyon. Nagsampa rin ng kasong sibil sa Makati Regional Trial Court sina Javier E. Quintos at Enrique V. Olives laban sa Sacobia at True North na kung saan hinihingi nila na ma-refund at makakuha ng danyos perwisyos dahil sila ay nakabili na ng golf club at country club shares na nagkakahalaga ng P1.2 milyon sa naunsiyaming proyekto sa Clark.

vuukle comment

ANG TRUE NORTH

CLARK DEVELOPMENT CORP

CLARK ECONOMIC ZONE

DONALD DEE

EMPLOYEES CONFEDERATION OF THE PHILIPPINES

ENRIQUE V

GLOBAL EQUITIES

JAIME KOA

JAVIER E

SACOBIA

TRUE NORTH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with