Mag-utol todas sa ambush
December 16, 2003 | 12:00am
CAMP SIONGCO, Maguindanao Tinambangan at napatay ang magkapatid na lalaki kabilang na ang barangay chairman habang ang mga biktima ay papauwi sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng Midsayap, North Cotabato kamakalawa.
Kinilala ni Chief Inspector Eduardo Marquez ang mga biktimang sina Pendatun Palacad, 39, chairman ng Brgy. Rangaban at kapatid na si Sambutol, 60.
Ayon sa pulisya, sakay ng motorsiklo ang magkapatid na biktima mula sa Christmas party na ginanap sa kampo ng Armys 38th Infantry Battalion.
Habang binabagtas ng magkapatid ang kahabaan ng nabanggit na highway ay biglang humarang ang mga armadong kalalakihang nakamaskara at kasabay nito ay umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril.
Dito na bumulagta ang mag-utol at nilapitan pa saka pinagbabaril sa ibat ibang bahagi ng katawan para makasigurong patay na ang target.
May teorya ang pulisya na may kaugnayan sa politika ang naganap na pamamaslang dahil sa nalalapit na ang May 2004 elections. (Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest