^

Probinsiya

P62-M bomb proof na pintuan sinikwat

-
SUBIC BAY FREEPORT – Umaabot sa 42-pirasong bomb proof na pintuan ng ammunition bunker na nagkakahalaga ng P62 milyon ang iniulat na sinikwat ng mga hindi kilalang kalalakihan at pinaniniwalaang sangkot ang ilang tiwaling opisyal ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Sa nakalap na impormasyon ng PSN mula sa isang opisyal ng Subic Intelligence and Investigation Office (SIIO) na tumangging magpabanggit ng pangalan na tone-toneladang pintuang bakal na nakakabit sa mga ammunition bunker sa group 2 at 3 ng Naval Magazine sa Freeport ang kumpirmadong nawawala at pinaniniwalaang sinikwat.

Kinumpirma rin sa ulat na isinumite kay Chief Supt. Edgardo Tinio na ilang tiwaling opisyal ng SBMA partikular na ang mga security officers ng Law Enforcement Department (LED) na nagbabantay sa entry/exit ng Tipo gate toll road ay kasabwat sa modus-operandi.

Napag-alaman pa sa inisyal na ulat na ginamitan ng acetylene para sikwatin ang bomb proof metallic doors saka isinakay sa limang trak patungo sa Metro Manila.

Tumanggi naman ibunyag ang pangalan ng tiwaling opisyal ng SBMA na pinaka-utak nang pagnanakaw dahil malakas ang koneksyon sa mataas na opisyal ng lokal na pamahalaan.

Nabatid na ang ammunition bunkers ay taguan at imbakan ng mga bala ng kanyon noong panahon ng World War 2 hanggang sa umalis ang mga sundalong Kano noong 1992 saka ginawang tourist attraction ng SBMA. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

CHIEF SUPT

EDGARDO TINIO

JEFF TOMBADO

KANO

LAW ENFORCEMENT DEPARTMENT

METRO MANILA

NAVAL MAGAZINE

SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHORITY

SUBIC INTELLIGENCE AND INVESTIGATION OFFICE

WORLD WAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with