Mag-asawang trader niratrat
December 15, 2003 | 12:00am
BULACAN May posibilidad na may kaugnayan sa negosyo kaya niratrat ang mag-asawang trader ng dalawang hindi kilalang lalaki na ikinasawi ni misis habang kritikal naman si mister sa naganap na karahasan sa Cagayan Road, Barangay San Jose, Baliuag, Bulacan kamakalawa. Nakilala ng pulisya ang biktimang nasawi na si Mylene Cai, 30, habang ginagamot naman si Raymond Cai, 38, na kapwa may-ari ng JRM lumber sa Barangay Poblacion, Bustos, Bulacan. Ayon sa ulat ng pulisya, lulan ng kotseng may plakang UPM-165 ang mag-asawa nang harangin ng mga killer na sakay naman ng motorsiklo. Agad na pinagbabaril ang mag-asawa saka tumakas ang dalawa patungo sa hindi nabatid na direksyon. - (Efren Alcantara)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended