2 bangkay natagpuan

Camp Pantaleon Garcia, Cavite – Dalawang bangkay ng lalaki kabilang ang isang pinaniniwalaang biktima ng salvage na tinangka pang sunugin ang natagpuan sa magkakahiwalay na bayan sa lalawigang ito kahapon ng umaga.

Bandang alas-7 ng umaga nang matagpuan ang unang bangkay na may sunog sa katawan sa masukal na bahagi sa tabi ng Governors Drive sa Sitio Golugod Baboy, Brgy. Sapang 1, Ternate, Cavite.

Ang nasabing bangkay ay nagsisimula nang maagnas kaya agad ipinasiya ni Dr. Jemuel Bacolod, Municipal Health Officer ang pagpapalibing nito sa Ternate Municipal Cemetery upang hindi na ito makapagdulot pa ng anumang sakit.

Samantalang natagpuan naman ang bangkay ng isang caretaker ng bukid sa Brgy. Sitio Pritil, Brgy. Paradahan 2, Tanza bandang 7:45 ng umaga.

Ang bangkay na nakikalang si Froilan Rivera alyas Baroy, 42 anyos, binata , caretaker sa bukid at residente ng Brgy. Biwas, Tanza, Cavite. Ang biktima ay positibong kinilala ng kaniyang mga kamag-anak. (Ulat ni Cristina Go Timbang)

Show comments