^

Probinsiya

3 patay, 1 pa kritikal sa vehicular accident

-
Sariaya, Quezon – Basag ang bungo at bali-bali ang buto ng tatlong nasawing lalaki habang nasa kritikal namang kondisyon ang isa pa matapos na aksidenteng salpukin ang kanilang sinasakyang isang owner-type jeep ng isang pampasaherong bus sa kahabaan ng Maharlika highway sa bayang ito kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ang isa sa tatlong nasawi na si Carlos Boqueza, 39-anyos ng Tayabas, Quezon at ang dalawa pa ay inilagak naman ang mga labi sa Funeraria Reyes sa Sariaya.

Agaw-buhay naman sa Greg Hospital ang isa pa ng mga itong kasamahan matapos na magtamo ng grabeng mga sugat sa katawan.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Charlie Gutierrez, may hawak ng kaso, naganap ang insidente bandang alas-12:15 ng madaling-araw.

Nabatid na kagagaling lamang sa Lucena City nang nasabing owner-type jeep na walang plaka at patungo sa Poblacion ng Sariaya nang mabangga ng isang humahagibis na Amihan Bus na may plakang DVA-290 na minamaneho ni Francisco Zape ng Camarines Sur na patungo naman sa Bicol.

Sa lakas ng pagkakabangga ay mistulang latang nayupi ang owner type jeep na ikinasawi at ikinasugat ng mga biktima. Pinaghahanap naman ang driver at konduktor ng bus na mabilis na tumakas.

Samantala, isa namang 6 anyos na batang babae na kinilalang si Salvacion Sergio ang nasawi nang mabundol ng isang trailer truck habang tumatawid sa kahabaan ng Maharlika highway sa Brgy. San Antonio, Poblacion Nabua, Camarines Sur kahapon ng umaga.

Boluntaryo namang sumuko sa mga awtoridad ang driver ng trailer truck na nakilala namang si Ruel Dineros, 34, may -asawa at naninirahan naman sa Upper San Roque, Sto. Domingo, Albay. (Ulat nina Tony Sandoval/Ed Casulla)

AMIHAN BUS

CAMARINES SUR

CARLOS BOQUEZA

CHARLIE GUTIERREZ

ED CASULLA

FRANCISCO ZAPE

FUNERARIA REYES

GREG HOSPITAL

LUCENA CITY

SARIAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with