^

Probinsiya

Utol ng dating kongresista tugis sa pagpatay

-
Koronadal City - Tinutugis ng pulisya ang nakababatang kapatid ng dating kongresista na umanoy nakabaril at nakapatay sa pamangking lalaki noong Miyerkules sa Brgy.Paraiso ng lunsod na ito.

Sinabi ni Supt. Florendo Quidilla,hepe ng pulisya ng lunsod na tinutugis ng kanyang mga tauhan ang suspek na si Glicerio De Pedro,nakababatang kapatid ni 2nd district Cong. Hilario De Pedro III.

Agad tumakas si De Pedro,residente ng Antipolo St.,Brgy. General P. Santos ng lunsod na ito matapos nitong mabaril at mapatay ang kanyang pamangkin na si Francis Moreno y De Pedro,29,binata.

Nagtamo ng isang tama ng bala ng baril na kalibre .45 sa dibdib ang biktima na ikinasawi.

Lumalabas sa imbestigasyon ni SPO4 Elmer Apura na dakong alas-8 ng gabi sa Purok Pag-Asa ng nasabing barangay ay nagsalubong ang mag-tiyuhin at sa hindi pa malamang dahilan ay agad binaril ng suspek.

Ayon kay Apura,patuloy ang kanilang imbestigasyon upang malaman ang tunay na motibo ng pamamaslang. (Ulat ni Ramil Bajo)

vuukle comment

ANTIPOLO ST.

BRGY

DE PEDRO

ELMER APURA

FLORENDO QUIDILLA

FRANCIS MORENO

GENERAL P

GLICERIO DE PEDRO

HILARIO DE PEDRO

KORONADAL CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with