Rookie cop dedo sa ex-brgy.chairman
December 13, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Dahilan lamang sa nabasag na bote, pinagbabaril hanggang sa mapaslang ng isang dating brgy. chairman ang isang bagitong pulis matapos ang mainitang pagtatalo habang nag-iinuman sa loob ng isang videoke restaurant sa Socorro, Oriental Mindoro kamakalawa.
Agad binawian ng buhay sa tinamong mga tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktimang kinilalang si PO1 Rolando Perez, kasapi ng 11th Police Mobile Group (PMG) ng Oriental Mindoro Provincial Police Office (PPO).
Pinaghahanap naman ang suspek na kinilalang si ex-Brgy. Chairman Tomy Ilao, residente ng Poblacion sa bayan ng Socorro.
Base sa ulat, ang insidente ay naganap habang nag-iinuman ang grupo ng biktima at ng suspek sa loob ng KM 58 Videoke Restaurant na matatagpuan sa bisinidad ng Brgy. Leuteburo II, Socorro, Oriental Mindoro bandang alas-11:30 ng gabi.
Habang nasa kainitan ng inuman ang grupo ng biktima ay aksidenteng natabig nito ang isang bote ng beer na nalaglag at tuluyang nabasag bunsod upang sitahin ito ng suspek.
Bunga nito ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng nasabing pulis at ng suspek.
Minabuti ng biktima na umalis na lamang upang makaiwas sa gulo subalit bago ito tuluyang nakalayo at habang papalabas sa pintuan ng nasabing videoke ay pinagbabaril ito ng suspek. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended