Jeep vs tricycle: 5 patay
December 13, 2003 | 12:00am
SAN PABLO CITY, Laguna Lima katao ang nasawi, habang siyam naman ang malubhang nasugatan matapos suwagin ng isang pampasaherong jeep ang isang tricycle at pagkatapos ay umikot-ikot at rumampa sa mga nag-aabang ng masasakyan kamakalawa ng gabi sa Barangay Sta. Maria sa lungsod na ito.
Ang mga nasawi ay nakilalang sina Arnel Dorado, 33, tricycle driver; Riza Hernandez, 23; Lovella Villalon, 15, kapwa mga taga barangay Sta. Maria Magdalena; Carmela Aquino, 23, ng Barangay San Marcos at Conrado Cartabio, 77.
Isinugod sa ibat ibang pagamutan ang mga nasugatan na nakilalang sina Patrice Villalon, 5; Arabella Villalon, 2; Lydia Flores, 32; Lilybeth Dela Cruz, 34; Francisco Espiritu, 33; John Espiritu at Justin Dela Cruz, 3; Joseph Brion, 39, dating vice mayor sa bayan ng Calauan at Raul Mendoza, 33.
Base sa pagsisiyasat ni SPO2 Victor Vanenia, dakong alas-8:30 ng gabi, habang ang jeep (DTW-200) na minamaneho ni Mendoza ay mabilis na binabaybay ang kalye patungong Barangay Sta. Maria, nang bigla na lamang umanong mawalan ng kontrol ang manibela nito na naging sanhi upang sumalpok sa dumarating na tricycle (DM-6746) na minamaneho ni Dorado.
Nagsirko ang jeep at rumampa sa mga biktima na kasalukuyang nag-aabang ng kanilang masasakyan at bumangga sa nakaparadang sasakyang Mitsubishi Lancer (TEU-265) na pag-aari ni Brion.
Kaagad na sinampahan si Mendoza ng kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide and multiple physical injuries at damage to properties. (Ulat nina Ed Amoros/Rene Alviar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended