Alahero dedo sa ambush

NUEVA ECIJA – Isang 37-anyos na alahero ang iniulat nasawi makaraang tambangan ng dalawang hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay sakay ng motorsiklo papauwi sa Barangay Sta. Cruz, Zaragoza, Nueva Ecija kamakalawa ng madaling-araw. Ninakawan pa ng P.1 milyon cash at mga alahas ang biktimang si Rizal Cagasan y Mateo ng Barangay Pantoc, Zaragoza, Nueva Ecija. Ayon kay PO2 Gerardo Pamposa, bandang ala-1 ng madaling-araw nang tambangan ang biktima habang nagmomotorsiklo papauwi. May teorya ang pulisya na natunugang may bitbit na malaking halaga ang biktima kaya isinagawa ang krimen. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments