Ama tinodas ng anak
December 11, 2003 | 12:00am
CAMARINES NORTE Pinagtataga hanggang sa mapatay ang isang 60-anyos na ama ng sariling anak makaraang hindi magkaintindihan sa pinagtalunang isyu sa Purok 4, Barangay Macogon, Labo, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktimang si Nicanor Caballero, isang barangay tanod, samantalang ang suspek na anak ay nakilala naman Freddie, 32 na ngayon ay ginagamot sa Camarines Norte Provincial Hospital dahil sa tinamo rin tama ng itak sa mukha. Napag-alaman sa ulat ng pulisya na sinugod ng ama ang kanyang anak dala ang itak matapos na mag-inuman ng alak. Kahit na tinamaan ng itak sa mukha ang anak ay nakuha pa nitong itakin ang kanyang ama na ikinasawi naman ng matanda. (Ulat ni Francis Elevado)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest