^

Probinsiya

P10-M sa dinukot na trader

-
COTABATO CITY – Aabot sa P10 milyong ransom ang iniulat na hinihinggi ng mga kidnaper ng isang 24-anyos na Tsinoy car dealer na kasalukuyang itinatago sa hangganan ng Maguindanao at Sultan Kudarat simula pa noong Lunes ng hapon.

Ayon sa pamilya nang dinukot na si Norman Sia na wala silang ganoong kalaking halaga dahil sa ordinaryong car agent lang ang biktima.

Kinumpirma naman ni Cotabato City Mayor Muslimin Sema na ang biktima ay nasa kamay na ng notoryus na Pentagon kidnap-for-ransom gang.

Magugunitang dinukot si Sia ng tatlong armadong kalalakihan na nagpanggap na mga kliyenteng bibili ng sasakyan.

Huling namataan ang biktima na sakay ng KIA Pride na may plakang LEW-969 kasama ang tatlong hindi kilalang lalaki.

Ayon sa ulat, nadiskubre naman ang inabandonang sasakyan ng biktima sa parking lot ng Filmart department store sa Tacurong City. (Ulat ni John Unson)

AABOT

AYON

COTABATO CITY MAYOR MUSLIMIN SEMA

FILMART

HULING

JOHN UNSON

KINUMPIRMA

NORMAN SIA

SULTAN KUDARAT

TACURONG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with