Jailguard nag-suicide

ANTIPOLO CITY – Pinaniniwalaang natakot na hiwalayan ng kanyang kalive-in partner kaya nagdesisyong magbaril sa ulo ang isang jailguard sa Sitio Maagay, Barangay Inarawan ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi. Sabog ang bao ng ulo ng biktimang si JO1 Jonathan Empiro na nakatalaga sa BJMP Sta. Rosa, Laguna. Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nag-away ang magka-live in sa hindi nabatid na dahilan at agad naman umalis ng bahay ang babae sa takot na maulit ang pambubogbog sa kanya.

Hindi pa nakalalayo ang babae ay isang malakas na alingawngaw ang narinig nito at nang tunguhin niya ang kinaroroonan ng lalaki ay duguan nakabulagta na ang biktima. May toerya ang pulisya na inakala ng biktima lalayasan na siya ng babae kaya nag-suicide. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments