Baryo sinunog ng NPA,5 sibilyan minasaker
December 10, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Lima-katao ang nasawi kabilang ang dalawang sundalo at dalawa pa ang nasugatan makaraang salakayin at sunugin ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang barangay sa Pantukan, Compostela Valley kamakalawa.
Gayunman, kasalukuyan pa ring inaalam ang mga pangalan ng tatlong nasawing sibilyan pati na rin ang dalawang nasawing sundalo.
Ang nasawing dalawang sundalo ay pawang kasapi ng Armys 58th Infantry Battalion na nagsagawa ng humanitarian mission sa lugar.
Batay sa ulat, bandang alas-2 ng hapon nang sumalakay ang mga rebeldeng NPA sa Sitio Lawasan, Brgy. Kingking sa bayan ng Pantukan.
Bigla na lamang sumulpot ang mga armadong rebelde sa pamumuno ng isang tinukoy sa alyas na Ka Lando at agad na sinunog ang may 15 kabahayan habang walang habas namang nagpapaputok ng malalakas na kalibre ng baril.
Ayon pa sa ulat, ang mga rebelde ay lulan ng dalawang trak nang umatake sa nasabing barangay.
Agad nagresponde ang dalawang squad ng 58th Infantary Battalion at naitaboy ang mga umatakeng rebelde matapos ang isang oras na palitan ng putok.
Kaugnay nito, kinondena naman ni Major Gen. Crislito Balaoing ang karahasang inilunsad ng mga rebelde na nagdamay pa ng mga inosenteng sibilyan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended