Positibong kinilala ng lumutang na testigo ang isa sa mga suspek na si Emilio Robles, security guard ng Hunter Security Agency.
Magugunitang tinambangan at napatay ang biktimang si Christopher Paul Seliga, 41, may asawa at residente ng 121-A General Luna Street. Siniloan, Laguna.
Napag-alaman pa na patungo sana ang biktima sa itinatayong golf course sa Barangay Puting Lupa, Calamba, City sakay ng Isuzu pickup na may plakang WJS-572.
Matapos na isagawa ang pananambang ay agad na tumakas ng dalawa pero lingid sa mga killer ay may nakasaksi sa krimen. (Ulat ni Joy Cantos)