Brgy.chairman na nag-tip ng shabu lab inambus
December 7, 2003 | 12:00am
Infanta, Pangasinan Isang barangay chairman na nag-tip sa mga awtoridad sa ni-raid na shabu laboratory na nakumpiskahan ng 426 kilo ng shabu sa baybayin ng lalawigan noong Nobyembre 5, 1999 ang pinagbabaril ng hindi pa nakilalang gunman na hinihinalang miyembro ng drug syndicates sa bayang ito kamakalawa.
Kasalukuyang nakikipagbuno kay kamatayan ang biktimang si Elpidio Marcos, 54-anyos, may-asawa at incumbent barangay chairman ng Bayambang ng naturang munisipalidad dahil sa tinamo nitong mga tama ng bala sa tiyan at batok.
Base sa imbestigasyon, dakong alas-10:15 ng gabi habang naglalakad sa bisinidad ng nasabing barangay ang biktima nang harangin at pagbabarilin ng armadong suspek.
Narekober ng mga nagrespondeng awtoridad ang mga basyo ng bala ng hindi pa matukoy na kalibre ng armas habang mabilis namang isinugod sa Alaminos City Doctors Hospital ang biktima.
Naghihinala naman ang mga awtoridad na may kinalaman sa pagtanggap ng malaking halaga ng reward ng biktima mula kay dating Pangulong Joseph Estrada dahilan sa pagtuturo ng ni-raid na shabu laboratory ang pangunahing motibo ng pagtatangka sa buhay nito. Patuloy ang imbestigasyon sa kaso. (Ulat ni Eva Visperas)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest