Sinabi ni Army Spokesman Lt. Col. Joselito Kakilala, dakong alas-10:30 ng umaga ng maganap ang sagupaan habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Armys 53rd Infantry Battalion (IB) sa Brgy. Bay Ratuh sa nasabing bayan.
Ditoy agad nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na tumagal ng ilang minuto hanggang sa umatras ang mga bandido patungo sa katimugang direksiyon ng nasabing lugar.
Narekober sa pinangyarihan ng engkuwentro ang dalawang garand rifles, ICOM radio transciever at apat na antenna.
Samantala, isang miyembro ng Misuari Breakaway Group ang boluntaryong sumuko sa mga elemento ng Armys 35th Infantry Battalion sa Sitio Bayog, Brgy. Samak, Talipa, Sulu.
Kinilala ang nasabing rebel returnee na si Kadil Asduri kung saan isinurender nito ang armas na caliber .30 M1 garand rifle.
Kasalukuyan nang sumasailalim sa masusing tactical interrogation ng militar ang sumukong MBG. (Ulat ni Joy Cantos)