^

Probinsiya

Armas ng ASG nasamsam ng militar

-
CAMP AGUINALDO – Nakumpiska ng tropa ng militar ang mga armas at kagamitang pandigma ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) matapos ang sagupaan sa Parang, Sulu kamakalawa.

Sinabi ni Army Spokesman Lt. Col. Joselito Kakilala, dakong alas-10:30 ng umaga ng maganap ang sagupaan habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Army’s 53rd Infantry Battalion (IB) sa Brgy. Bay Ratuh sa nasabing bayan.

Dito’y agad nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na tumagal ng ilang minuto hanggang sa umatras ang mga bandido patungo sa katimugang direksiyon ng nasabing lugar.

Narekober sa pinangyarihan ng engkuwentro ang dalawang garand rifles, ICOM radio transciever at apat na antenna.

Samantala, isang miyembro ng Misuari Breakaway Group ang boluntaryong sumuko sa mga elemento ng Army’s 35th Infantry Battalion sa Sitio Bayog, Brgy. Samak, Talipa, Sulu.

Kinilala ang nasabing rebel returnee na si Kadil Asduri kung saan isinurender nito ang armas na caliber .30 M1 garand rifle.

Kasalukuyan nang sumasailalim sa masusing tactical interrogation ng militar ang sumukong MBG. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF GROUP

ARMY SPOKESMAN LT

BAY RATUH

BRGY

INFANTRY BATTALION

JOSELITO KAKILALA

JOY CANTOS

KADIL ASDURI

MISUARI BREAKAWAY GROUP

SITIO BAYOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with