4 todas sa ambush
December 5, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Malagim ang sinapit na kamatayan ng apat-katao kabilang ang paring Muslim makaraang paulanan ng bala ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa naganap na madugong insidente sa Zamboanga City noong Miyerkules ng gabi.
Kinilala ang nasawi na sina Imam Jamani Ahadin, Brgy. Kagawad Ibung Mabangsa, Bidwari Ahadin at Abdul Mukmin Ahadin, pawang mga residente ng Sitio Marangan, Barangay Muti, Curuan District sa nasabing siyudad.
Batay sa ulat, bandang alas-6:30 ng gabi naganap ang pananambang habang binabagtas ng mga biktima ang ruta pauwi sa kanilang bahay sa Sitio Marangan, Barangay Muti sa nasabing lungsod.
Nabatid na bigla na lamang sumulpot ang mga hindi pa nakikilalang armadong salarin at kasunod nitoy pinaulanan ng bala ang mga biktima.
Mabilis na lumulan ang mga suspek sa Mary May Bus matapos na maisagawa ang krimen.
Lumalabas sa paunang imbestigasyon na alitan ng pamilya kaugnay ng pag-angkin sa lupain ang motibo ng pamamaril. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 13 hours ago
By Cristina Timbang | 13 hours ago
By Tony Sandoval | 13 hours ago
Recommended