^

Probinsiya

3-anyos napatay ng 5-anyos na kuya

-
BATANGAS – Hindi makapaniwala ang mga magulang ng magkapatid na paslit sa naganap na malagim ng trahedya matapos na mabaril at mapatay ang kanilang anak na tatlong taong gulang na batang babae ng isa pa nilang anak na 5-anyos na lalaki sa Padre Garcia, Batangas kahapon ng umaga.

Sabog ang noo ng biktimang si Elajoy Celetaria matapos na aksidenteng mabaril ng kanyang utol na itinago sa pangalang Fredo.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ni P/Chief Insp. Dionisio Fallado, police chief ng nasabing bayan na bandang alas-9:05 ng umaga nang maiwan ang magkapatid sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Cawongan, Padre Garcia, Batangas.

Ayon pa sa ulat ng pulisya na masayang naglalaro ang magkapatid at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nadampot ni Elajoy ang pellet toy gun na pag-aari ni Arnold Villanueva, 24, poultry boy ng pamilya Celetaria ng Sto. Domingo, Naga City.

Sa pag-aakala na ang converted sa kalibre 22 ang laruang baril ang nadampot ng biktima ay ipinakita nito sa utol na lalaki.

Sinabi naman ng mga nakasaksi sa insidente na ang laruang baril na converted sa kalibre 22 ay nakalagay sa ibabaw ng tokador ni Arnold nang damputin ni Fredo at itutok sa noo ni Elajoy hanggang sa makalabit nito ang gatilyo at pumutok.

Nagulantang sa lakas ng putok ng baril mula sa loob ng bahay ang ina ng magkapatid na noon ay nagpapakain ng manok sa likurang bahagi ng kanilang bahay.

Agad naman sumuko si Villanueva sa pulisya para sa kaukulang imbestigasyon. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

ARNOLD VILLANUEVA

BARANGAY CAWONGAN

BATANGAS

CHIEF INSP

DIONISIO FALLADO

ELAJOY

ELAJOY CELETARIA

FREDO

PADRE GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with