Mister tinodas dahil sa pera

NUEVA ECIJA – Isang 45-anyos na magsasaka ang iniulat na nasawi makaraang barilin ng kaibigan sa loob ng sariling bahay sa Sitio Kaingin, Barangay Lawang Kupang, San Antonio, Nueva Ecija kamakalawa ng gabi.

Napuruhan sa ulo at leeg ang biktimang si Timoteo Galicia y Faustino, samantalang hindi naman agad nakilala ang suspek na tumangay ng malaking halaga mula sa napatay na kaibigan. Sa imbestigasyon, lumalabas na pumasok ang suspek habang naghahapunan ang biktima bago nakipagkuwentuhan.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarinig ng malakas na putok ng baril ang mga kapitbahay at nang puntahan nila ay duguang nakabulagta na ang lalaki. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments