2 negosyanteng Koreano niratrat
December 3, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Dalawang negosyanteng Koreano ang nasawi habang sugatan naman ang kanilang asawa makaraang pagbabarilin ng dalawang di-nakilalang kalalakihan sa Lapulapu City, Cebu, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.
Kinilala ang dalawang biktima na sina Cho Yoon Sik at Kim Suk Sun, kapwa 53, at residente ng Pacific Grand Villa na matatagpuan sa Marigondon, Lapulapu City ng nasabing lalawigan. Si Sik ay idineklarang patay sa Lapulapu Community Hospital habang si Sun ay binawian naman ng buhay sa emergency room.
Base sa ulat, ang pananambang ay naganap sa kahabaan ng national highway ng lungsod patungo sa Pacific Grand Villa bandang alas-10 ng gabi.
Lulan ang mga biktima ng Mitsubishi Spacewagon na may plakang GFC-549 nang harangin at pagbabarilin ng mga armadong lalaki.
Ang mga biktima ay sinaklolohan naman ng isang tinukoy sa pangalang John Loro, empleyado ng Cebu Beach Resort na siyang nagsugod sa mga ito sa pagamutan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest