Ang mga nasawi ay nakilalang sina Pfc Ali Sapre at ang dalawang tauhan ng CAFGU Active Auxillary (CAA) na sina Teofilo Aradillos at Crisostomo Listino.
Nakilala naman ang mga malubhang nasugatan na sina Pfc Tahir Wahabi, CAAs Jaime Painan, Jose Mendoza, Salvador Sato, Violito Rosas at Danilo Dumaog; pawang ginagamot sa Andres Soriano Memorial Hospital.
Dakong alas-11:30 ng umaga habang lulan ng trak ang mga enlisted personnel ng CAA mula sa Delta Company ng Armys 28th Infantry Battalion na bumabagtas sa kahabaan ng Road 1A, Purok 7, Sitio Mabog, San Roque, Bislig City nang ambusin ng mga rebelde.
Nabatid na kasalukuyang escort ang tropa ng militar sa mga tauhan ng PICOP Road Construction na nagsasagawa ng proyekto sa lugar nang tambangan ng grupo ni Commander Waco na nakaposisyon sa tabi ng highway.
Matapos na ambusin ang tropang gobyerno ay tinangay pa ng mga rebelde ang 3 M-14 rifles mula sa mga nasawi at sinunog ang trak bago nagsitakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon. (Ulat ni Joy Cantos)