Sa ulat ni Brig. Gen. Gabriel Habacon, Southern Command vice commander for operation at hepe ng Task Force Comet, nakilala lamang ang nabitag na terorista na si Jeffrey, alyas Kumander Jainul.
Sinabi ni Habacon na si Jainul na isa sa kumander ng grupong Abu Sayyaf ay ang tangkang magpapalit ng US$300,000 sa bangko na matatagpuan sa Zamboanga City noong kasagsagan ng hostage drama noong taong 2000.
Ayon pa kay Habacon, si Jainul na nasa talaan ng "order of battle" dahil sa pagsuporta sa hostage crisis noong taong 2000 na tumagal ng limang buwan ay may mga nakabinbing warrant of arrest at nadakip ng tropa ng militra sa ilalim ng Jolo Internal Defense Force (JIDF).
Kabilang sa patuloy na tinutugis ng tropa ng militar ay sina Galib Andang, alyas Kumander Robot, Radulan Sahiron, Jainal Sali, alyas Abu Solaiman at Umbra Jumdail, alyas Dr. Abu Pula na kasalukuyang nagkukuta sa kagubatang sakop ng Sulu. (Ulat ni Roel D. Pareño)