^

Probinsiya

Kumander ng Sayyaf nalambat

-
ZAMBOANGA CITY – Nalambat ng tropa ng militar ang isa sa kumander ng Abu Sayyaf sa downtown ng Jolo, Sulu noong Sabado na pinaniniwalaang sangkot sa pagdukot ng mga dayuhan sa Sipadan noong taong 2000.

Sa ulat ni Brig. Gen. Gabriel Habacon, Southern Command vice commander for operation at hepe ng Task Force Comet, nakilala lamang ang nabitag na terorista na si Jeffrey, alyas Kumander Jainul.

Sinabi ni Habacon na si Jainul na isa sa kumander ng grupong Abu Sayyaf ay ang tangkang magpapalit ng US$300,000 sa bangko na matatagpuan sa Zamboanga City noong kasagsagan ng hostage drama noong taong 2000.

Ayon pa kay Habacon, si Jainul na nasa talaan ng "order of battle" dahil sa pagsuporta sa hostage crisis noong taong 2000 na tumagal ng limang buwan ay may mga nakabinbing warrant of arrest at nadakip ng tropa ng militra sa ilalim ng Jolo Internal Defense Force (JIDF).

Kabilang sa patuloy na tinutugis ng tropa ng militar ay sina Galib Andang, alyas Kumander Robot, Radulan Sahiron, Jainal Sali, alyas Abu Solaiman at Umbra Jumdail, alyas Dr. Abu Pula na kasalukuyang nagkukuta sa kagubatang sakop ng Sulu. (Ulat ni Roel D. Pareño)

ABU SAYYAF

ABU SOLAIMAN

DR. ABU PULA

GABRIEL HABACON

GALIB ANDANG

HABACON

JAINAL SALI

JAINUL

JOLO INTERNAL DEFENSE FORCE

KUMANDER JAINUL

KUMANDER ROBOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with