Tigasing drayber tinodas

QUEZON – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 27-anyos na traysikel drayber ng isang empleyado ng munisipyo makaraang magkasagutan ang dalawa tungkol sa batas-trapiko sa Barangay Danlagan, Lopez, Quezon kamakalawa. Apat na bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Marcelo Escobido, samantalang agad namang tumakas ang suspek na si Santiago Masaganda ng Brgy. Tan-Agba-Ibaba ng nasabing bayan matapos isagawa ang krimen bandang alas-2:15 ng hapon. Sa imbestigasyon ni SPO3 Paterno Montero, sinita ng suspek ang biktima dahil sa pagpasok nito sa bawal na lagusang kalsada pero sumagot ng pabalang ang una na may hawak na tubo. Dito na nairita ang suspek kaya inupakan matapos na bumalik mula sa bahay. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments