Trader at 2 pahinante niratrat
November 30, 2003 | 12:00am
NUEVA ECIJA Pinaniniwalaang karibal sa negosyo ng palay ang nagpapatay sa isang negosyanteng lalaki at dalawa nitong pahinante sa harap ng kooperatiba na sakop ng Barangay Homestead 2, Talavera, Nueva Ecija kamakalawa ng gabi.
Binistay ng bala ng M-16 Armalite rifle ang mga biktimang sina Edison Lacson, 49, trader ng palay, may asawa ng Brgy. Calipahan; Eduardo Geronimo, 26, at Ruel Francisco, 19, kapwa pahinante at residente ng Barangay Esguerra District, Talavera.
Agad namang tumakas ang apat na hindi kilalang armadong kalalakihang naka-itim na bonnet sakay ng kotseng kulay puti na walang plaka.
Base sa ulat na isinumite kay P/Chief Insp. Sidney Villaflor, hepe ng pulisya, naitala ang krimen bandang alas-7:15 ng gabi habang nagkakarga ng ilang sako ng palay ang mga pahinante na binabantayan naman ni Lacson.
Biglang dumating ang kulay puting kotse sa harap ng Christian Farmers Cooperative at agad na nagsibaba ang apat na armado ng malalakas na kalibre ng baril sabay na nagpaulan ng sunud-sunod na putok.
Napuruhan agad ang tatlo habang ang ibang pahinante ay mabilis na nagpulasan sa ibat ibang bahagi ng nasabing lugar para makapagkubli.
Sinisilip din ng pulisya ang anggulong pagtangging magbigay ng revolutionary tax sa makakaliwang grupo ang isa sa motibo ng pamamaslang. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended