Ang mga biktima ay kinilalang sina Rohaina Solaiman, Iskat Solaiman, 30; Johnny Maricor at Ruben Maricor.
Nilalapatan naman ng lunas sa Cotabato Regional Medical Center ang mga biktimang sina Sitor Maen Cassan, Sambuto Solaiman at Noridin Bacao, 4.
Sa phone interview, sinabi ni Major Julieto Ando, spokesman ng Armys 6th Infantry Division (ID), naganap ang insidente dakong alas 11:45 ng tanghali nitong Huwebes sa Brgy. Ruminimbang.
Ayon kay Ando, bago ang sagupaan ay pinagkakasundo ng mga opisyal ng barangay sa nasabing lugar ang angkan ng pamilya sa Maricor at ang kaaway na angkang Lengasan.
Nabatid na matagal nang may matinding alitan ang pamilya Maricor at Lengasan.
Sinabi ni Ando na kasalukuyan pa nilang iniimbestigahan ang kaso habang hindi naman inaalis ang posibilidad na may kinalaman ang kalabang angkan ng mga biktima sa insidente.
Sa kasalukuyan, ayon pa sa opisyal ay nagtungo sa lugar ang pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya, gayundin ang mga lokal na opisyal upang hadlangan ang malaking posibilidad na sumiklab muli ang karahasan sa lugar sa sandaling bumuwelta naman ang pamilya ng mga nasawi sa kaaway nitong mga pamilya. (Ulat ni Joy Cantos)