Intelligence chief todas sa ambush
November 27, 2003 | 12:00am
Camp Vicente Lim, Laguna Sampung tama ng bala ang tumapos sa buhay ng isang Intelligence Chief ng pulisya makaraang tambangan ng dalawang di pa nakilalang lalaki na hinihinalang mga hired killers habang lulan ng kaniyang sasakyan sa kahabaan ng national highway sa bayan ng Lemery, Batangas kamakalawa.
Ayon kay P/Supt. Rodolfo Magtibay, Batangas Police Provincial Director ang biktimang si SPO4 Ronilo Dimaunahan, hepe ng Intelligence sa Bauan Municipal Police Station (MPS) ay kasalukuyang lulan ng kaniyang owner type jeep nang pagbabarilin ng mga suspek na lulan ng motorsiklo sa Brgy. Maguihan, Lemery ng bayang ito bandang alas-4:50 ng hapon.
Nabatid na si Dimaunahan ay naghihintay na lamang ng kaniyang promosyon bilang Police Lieutenant sa darating na Enero 2004 ay dead on the spot dahilan sa dami ng tama ng bala mula sa .45 caliber pistol na naglagos sa katawan nito.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek tangay ang service firearm ng biktima patungo sa hindi pa malamang destinasyon. Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ang motibo ng krimen. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended